HISTORY
ANG KOOPERATIBA AY NAG UMPISA SA CAMP AQUINO TARLAC. ANG MGA KASUNDALUHAN NOON AY NAKATUON LAMANG SA LABANAN AT PAGSUGPO NG INSURHENSIYA. ANG KARAMIHAN SA MGA NAKADANAS NG KAHIRAPAN AY MINARAPAT NA MAMUNDOK. KAYA NAPAG ISIPAN NG ILANG OPISYALES NG 5TH INFANTRY DIVISION NA PINANGUNGUNAHAN NI GEN. SANTOS SA CAMP AQUINO TARLAC NA MAG ORGANISA NG KOOPERATIBA NA SYANG TUGON SA KAHIRAPAN SA TULONG NG BUREAU OF AGRICULTURE (BACOD) SILA AY NAKAPAGTATAG AT PINANGALANAN ITONG CAMP AQUINO CREDIT UNION INC. (CACUI) TAONG 1981.
ANG MGA UNANG NAGING MYEMBRO NG KOOPERATIBA AY MGA SUNDALO NG 5TH INFANTRY DIVISION AT MGA DEPENDENTS NITO. NAGTULOY ANG OPERASYON NG CACUI HANGGANG SA NAGPALIT NG PANGALAN AT NAGING CAICI (CAMP AQUINO INTEGRATED COOPERATIVE, INC) AT KINUMPIRMA NG COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY (CDA) ANG KANYANG REGISTRATION MULA SA BAGONG BATAS NG RA 6938 AT RA 6939. DAHIL ANG MGA SUNDALO AY PALIPAT LIPAT NG DESTINO, LAHAT NG NA DESTINO SA IBANG UNIT AY NAG SIPAG-WIDRAW NG SHARE CAPITAL HANGGANG SA NAGING INACTIVE ANG KOOPERATIBA AT NAMATAY ITO.
TAONG 1985 NG SI MAJ ARTEMIO M JOSE AY COMMANDING OFFICER NG 2FSU SA CAMP AQUINO TARLAC NAKITA ANG MGA LEDGERS NG MGA PAUTANG SA MGA MYEMBRO NG KOOPERATIBA AT IPINAAYOS NYA ITO HANGGANG SA NABUHAY MULI ANG KOOPERATIBA. MULA CAMP AQUINO TARLAC LUMIPAT ANG 5TH INFANTRY DIVISION SA GAMU, ISABELA AT KASABAY DING LUMIPAT ANG KOOPERATIBA. NOONG NAG AMYENDA NG BY-LAWS AT ARTICLES OF INCORPORATION ANG CAICI AY NAG AMYENDA RIN NG KANYANG PANGALAN MULA CAICI NAGING FIVE STAR CREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE (FIVE STAR CREDECO) IPINANGALAN ITO SA 5TH INFANTRY DIVISION.
MULI, ITO AY NAGPALIT NG PANGALAN AT NAGING FIVE STAR SAVINGS CREDIT AND DEV’T. COOPERATIVE (FIVESTARCOOP). NAGTULOY TULOY NA ANG OPERASYON NITO SA MALAKAS NA LIDERATO NI COL ARTEMIO M JOSE BILANG CHAIRMAN OF THE BOARD. SYA AY INATASAN NA MAGING FULL TIME PRESIDENT & CEO NG FIVESTARCOOP NG SYA AY MAGRETIRO BILANG ISANG MAGITING NA SUNDALO. NAGTULOY-TULOY ANG PAGLAGO NG KOOPERATIBA AT NAKAPAGPATAYO NG OPISINA SA LABAS NG KAMPO AT NAGKAROON NG MGA SANGAY KABILANG NA ANG MGA NATCCO NETWORK MICOOP DAHILAN SA HINDI NA LAMANG MGA SUNDALO ANG MGA MYEMBRO NITO KUNDI MAGING MGA SIBILYAN.